Pumunta sa nilalaman

Pagong (Testudines)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Pagong
Temporal na saklaw: Late Triassic – kasalukuyan 215–0 Ma
Terrapene carolina
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Reptilia
Klado: Testudinata
Orden: Testudines
Linnaeus, 1758 [1]
Suborden

Cryptodira
Pleurodira
at silipin ang teksto

Ang pagong o pag-ong (Ingles: turtle) ay mga reptilya ng ordeng Testudines (ang koronang pangkat ng super-ordeng Chelonia), na kinatatangian ng isang natatangi o espesyal na mabuto o kartilahinosong kabibe na umunlad mula sa kanilang mga tadyang na gumaganap bilang isang kalasag o panangga. Ang salitang "pagong" ay maaaring tumukoy sa Testudines bilang kabuuan, o sa partikular na Testudines na bumubuo sa isang takson ng porma na hindi monopiletiko.

Ang ordeng Testudines ay kinabibilangan kapwa ng umiiral (nabubuhay) at hindi na umiiral (wala na) na mga espesye. Ang pinakamaagang nakikilalang mga pagong ay mapepetsa magmula 215 milyong mga taon na ang nakalilipas,[2] na nagtatalaga sa mga pagong bilang isa sa pinakamatandang pangkat ng mga reptilya at isang mas sinaunang pangkat kaysa sa mga butiki, mga ahas, at mga buwaya. Sa piling ng maraming mga espesyeng nabubuhay pa sa kasalukuyan, ang ilan ay mataas ang panganganib.[3]

Katulad ng iba pang mga reptilya, ang mga pagong ay mga ektoterm - ang kanilang panloob na temperatura ay nagbabago ayon sa kapaligiran panginorin o kapaligirang ambiente (nakapaligid), na karaniwang tinatawag na malamig ang dugo. Subalit, ang mga pagong na pandagat na katad ang likod ay may kapunapunang mas mataas na temperaturang pangkatawan kaysa sa nakapaligid na tubig dahil sa kanilang mataas na antas ng metabolismo.

Katulad ng iba pang mga amniote (mga reptilya, mga dinosauro, mga ibon, at mga mamalya), humihinga sila ng hangin at hindi nangingitlog sa ilalim ng tubig, bagaman maraming mga espesye ang naninirahan sa loob o sa paligid ng tubig. Ang pinakamalalaking mga pagong ay akwatiko o namumuhay sa tubig.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Testudines". Integrated Taxonomic Information System.
  2. "Archelon-Enchanted Learning Software". Enchantedlearning.com. Nakuha noong 2009-03-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. James E. Barzyk Turtles in Crisis: The Asian Food Markets. Ang mismong artikulo ay walang petsa, subalit karamihan halos ay tumutukoy sa dato na nasa saklaw ng 1995–2000.

Hayop Ang lathalaing ito na tungkol sa Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.